by Mark Cardenas
“Kuya, nasira ‘yung phone ko. ‘Di ko alam kung pa’no ako makakapag-online class tsaka makakasama sa mga meetings natin,” pag-message sa ‘kin ng isa sa mga Youth Leaders isang araw.
“Hala! Sobrang important pa naman ng maayos na gadget ngayon. Pwede mo ba ‘to ma-share sa team para marami kaming nagpe-pray with you about this?,” akin namang response.
“Sige po, kuya.”
Lumipas ang ilang sandali at nag-message siya sa group chat naming team at ‘di katagalan ay may nag-message rin sa ‘kin from the team tungkol sa isang ideya na talagang kay God lang manggagaling.
‘Nung hapong ‘yun, gumawa kami ng panibagong group chat at nag-decide na mag-surprise fund-raising among ourselves para bilhan ng bagong cellphone ang aming kapatid na talagang nangangailangan nito. Na-overwhelm ako, sa totoo lang.
In the first 2 days of the fund-raising, nakatanggap ako ng mga amount na tulad ng 500 at 1,000, kasama na rin ang mga tulad ng 20, 150, 200, amounts na sacrificially binigay ng mga kapwa-student leaders para sa kanilang kapatid–‘yung mga tipong alam mong galing sa sariling ipon. Grabeng faith!
Sa loob ng isang linggo, nakalikom kami ng 6,000 pesos para makabili ng maayos na cellphone na sobrang okay magamit sa online classes. ‘Nung binigay na namin ‘to sa kanya, he was shocked and at a loss for words. Grabeng pagmamahal galing kay Abba!
♦ ♦ ♦
Isa lang ‘to sa mga istorya ng community na nagpe-persist even in these challenging times. Napakagandang reminder nito na sa pag-pursue natin ng mga plano sa ministry, it’s equally important that we love one another so that the world will know that we are Jesus’ disciples.
After all, hindi lang tayo mga coworkers; we are brothers and sisters.
Online Ministry Highlights:
- Volunteers: 22
- People reached: 83,770+
- Engagements: 24,700+
- New social media followers: 497
- Community Online: 75
July-December 2021 Prayer Items:
- Structure and culture that support mental well-being
- Strengthen and enlist more volunteers
- Care and support for shepherds of youth
- More excellent, creative, and value-adding digital content
Mark J. Cardenas
Mark is a full-time staff at Capitol City Baptist Church. He loves talking about Jesus to the next generation, enjoying a cup of milk tea, and trying out anything creative (like photography).