KA·LI·NGÀ: support, protection, care;
CCBC Kalinga is our social concern ministry geared towards helping and caring for our neighbors in need.
Ang focus ng ating Kalinga sa panahon ngayon ay ang pag-extend ng tulong sa mga CCBCers at Community Outreaches na affected ng CoVID-19 pandemic crisis.
Mag-respond tayo sa kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng isang fundraising and donation campaign. Ang campaign na ito ay lubusang makakatulong sa ating mga fellow CCBCers, Community Outreaches na nahihirapan financially dahil sa pagkawala ng trabaho at resources dulot ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.
Galatians 6:10 says, “…as we have opportunity, let us do good to all people, especially to those who belong to the family of believers.” Let us show Christ-like love through these hard times.
WHO ARE OUR NEIGHBORS?
These are the communities that we aim to serve through KALINGA: COVID-19 Response.
AWANA Kids and Family
Ang mga bata at ang pamilya na ni-rerepresent ng AWANA ministry ay nakatira sa Brgy. Bungad. Karamihan sa kanila ay umaasa sa pang araw-araw nilang kininikta.
We are looking at giving assistance to 30 children representing 30 families
Pasong Tamo Outreach
Ang community na ito ay nakatira sa Pingkian, Pasong Tamo. Dahil kasama sila sa Extreme Enhance Community Quarantine (E-ECQ), at dahil sa kasikipan ng lugar nila, madalang lang ang pag abot ng tulong doon.
We serve around 20 families through weekly bible studies.
Daughter Churches
In remote areas of Marinduque as recipients, namely: CCBC Kansurok in Boac, CCBC Balogo in Sta. Cruz, CCBC Bonliw in Torrijos, pati na rin ang ating Deaf Community sa Cainta, Rizal. Sila ay lubos na naapektuhan dahil karamihan sa kanila ay nasuspinde ang mga trabaho, kaya’t higit na nangangailangan sila ng tulong ngayong panahon ng COVID-19 crisis.
We are looking at giving assistance to at least 20 Deaf Community families, and a fixed amount to our daughter churches in Marinduque.
CCBC Members
Sa ating mga members na nawalan ng trabaho dulot ng ECQ, mga nagtatrabaho bilang manual laborer, at umaaasa lang sa pang araw-araw na sweldo.
We are looking at giving assistance to at least 40 families of CCBCers.
WHAT IS OUR RESPONSE?
Prayer, encouragement, and financial aid.
- PRAYER
- ENCOURAGEMENT
- FINANCIAL AID
“If anyone has material possessions and sees a brother or sister in need but has no pity on them, how can the love of God be in that person? Dear children, let us not love with words or speech but with actions and in truth.”
— 1 John 3:17
Frequently Asked Questions (FAQs)
Salamat sa paglapit sa CCBC Kalinga Team ng inyong sitwasyon. Maaari ba naming kunin ang inyong contact details para makausap kayo ng aming coordinator? Ipapahatid namin ito sa Assessment Team ng CCBC Kalinga. Padalhan niyo kami ng mensahe dito: m.me/CCBCph o dito: 0977-761-5883
Ang mga recipient ng CCBC Kalinga ay makakatanggap ng cash aid mula sa inyong tulong. Cash aid ang ipapadala natin para tayo ay lubos na makasunod sa ECQ guidelines. Ito ay sa pamamagitan ng pag send ng cash thru pera padala para din maiwasan sa pagtitipon ng maraming tao sa isang lugar.
Ang CCBC Kalinga ministry ay naglalayon na matulungan ang ating mga recipient sa period ng COVID-19 at hanggang sa matapos ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) para sustainable ang tulong na ibibigay natin sa ating neighbors.
Maraming salamat sa inyong tulong! Ipapaabot namin ito sa mga kapatiran na nangangailangan. Kung maaari po ipadala saamin ang deposit slip para sa accountability at ma-record namin ng maayos. Mag padala ng private message ng kopya ng deposit slip dito: m.me/CCBCph or through email: giving@ccbc.ph
Salamat sa inyong kagustuhan na mag volunteer sa CCBC Kalinga. Sa ngayon ay limited lang ang bilang ng tao na tumutulong sa CCBC Kalinga dahil sa ECQ at para din sa good welfare and safety ng lahat. Para sa mga paraan kung paano mag volunteer, mag-send ng mensahe dito: 0977-761-5883
Tayo’y tumulong sa nangangailangan ng kalinga.