by Neth Panganiban
Nang magkaroon ng pandemic, parang tumigil na rin ang mundo, naka confine ka na lang sa bahay dahil sa mga lockdowns at nakakatakot na Covid19 cases. Ang lahat nga ay huminto ng bigla. Maging ang pagpunta sa church to worship ay hindi rin pinapayagan. Naisip kong maging abala sa maraming bagay habang nakakulong sa aming bahay, pero hinahanap-hanap ko yung mga church ministries and activities. Na miss ko rin ang mga EE (Evangelism Explosion) trainings like EV2 (Everyday Evangelism) and WWL (Witnessing As A Way of Life) lalo na ang paglabas every Sunday afternoon to share the Gospel. Paano na nga ba ito? No more training and equipping, should we quit sharing?
But thanks be to God! Naihanda na Niya ang lahat bago pa mag pandemic. He lead Pastor Rey Bechayda of EE Phil. in creating Quick Share Online Training five years ago at sakto na launch ito sa kasagsagan ng pandemic in 2020. Si Ptr. Rene Atienza ang unang nag-approve ng Quick Share, matiyaga niya itong pinag-aralan at tinuro niya ito sa amin. Maraming naabot at na-train si Ptr Rene through Quick Share, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kaya naman ako ay na challenge din. Isa ako sa na-train at nagpatuloy na mag-facilitate ng QS. Since 2020 up to the present, I have facilitated 16 QS classes at ang mga students ko ay from CCBC and other churches. Nakapag-train na rin ako ng 8 QS facilitators and a good number of people were ushered to the Lord during our online OJTs. All praises to God who is at work through Quick Share.
Lagi akong excited whenever God invites me to join Him where He is at work, because I’m sure that He will show me great and mighty things. Bawat QS class kasi ay may magandang kwento at ito ay naging inspirasyon ko para magpatuloy. I’ve been praying to lead another Life group bago pa man mag-pandemic at ang mga students ko sa isang QS class ay nanalangin din pala na may mag-lead sa kanila and through Quick Share sinagot ng Panginoon ang aming prayers. Ang isang QS class ko sa GCF ay nakapag-follow-up ng kanilang contacts in their OJTs at nakabuo ng 5 na Bible Study groups. Even my co facilitator, Elvie Najos, shared the Gospel to her relatives in Aparri, Cagayan de Oro and Bukidnon and are now having their Bible study online. Ganun din ang nangyari sa mga QS class sa CCBC Kansurok at CCBC Lemery. Susan, one of my students, got infected with Covid19 during our QS training at pinili niyang magpatuloy pa rin mag-share sya ng Gospel sa mga taong naka-quarantine katulad niya and they got “infected by the love of Jesus” at may online Bible Study na rin sila.
Indeed, God is at work through Quick Share and we can join Him. Kahit may pandemic at nasa bahay lang we can still share the Gospel, train soul winners and disciple others.
Magkakalayo ma’y malapit din.
Ebanghelyo’y tiyak na makakarating,
dahil tapat ang Diyos na nangako sa atin.
Pastor Bot Abelado
Pastor Bot is an associate pastor at Capitol City Baptist Church, and is focused on leading our Witness, Missions, and Outreach Ministries.